Posts

ANG ALPABETONG AT PATNUBAY SA ISPELING NG WIKANG FILIPINO

Image
  Ang paglinang at pagpapaunlad sa wika ay maisagawa ng paaralan sa pamamagitan ng dalawang prinsipal na paraan. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng panitikan at balarila nito. Naging kalakaran sa pagtuturo ang paglangkapin, lali na sa mababang paaralan at hayskul, ang pagtuturo ng panitikan at ng balarila dahil sa paniniwalang sa gayong paraan ay maituturo ang balarila ng wika sa paraang natural at kawili-wili.   Ang blog na ito ay nagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa sabjek ng sining ng komunikasyon at ng malikhaing pagsulat. Makatutulong ito sa mga estudyante at guro ng Filipino. Ang mga kaalamang ito ay hango sa Makabagong Balarila sa Filipino.   Ang Alpabetong Filipino                 Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ang ayos ay ganito:                     A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z...