ANG ALPABETONG AT PATNUBAY SA ISPELING NG WIKANG FILIPINO
Ang paglinang at pagpapaunlad sa wika ay maisagawa ng paaralan sa pamamagitan ng dalawang prinsipal na paraan. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng panitikan at balarila nito. Naging kalakaran sa pagtuturo ang paglangkapin, lali na sa mababang paaralan at hayskul, ang pagtuturo ng panitikan at ng balarila dahil sa paniniwalang sa gayong paraan ay maituturo ang balarila ng wika sa paraang natural at kawili-wili.
Ang blog na ito ay nagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa sabjek ng sining ng komunikasyon at ng malikhaing pagsulat. Makatutulong ito sa mga estudyante at guro ng Filipino. Ang mga kaalamang ito ay hango sa Makabagong Balarila sa Filipino.
Ang Alpabetong Filipino
Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ang ayos ay ganito:
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Sa 28-letrang alpabeto, ang letrang orihinal na abakada: A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y ay ginagamit sa mga karaniwang salitang tinanggap o naasimila na sa bokabularyo o talasalitaan ng wikang pambasa.
Halimbawa:
banyo (baño) trak (truck)
bintana (ventana) nars (nurse)
Ang Pagbasa ng mga Letra. Ang tawag sa mga letra ng alpabetong Filipino ay ayon sa bigkas-Ingles ng mga Pilipino maliban sa ñ (enye) na tawag-Kastila
A B C D E
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/
F G H I J
/ef/ /dzi/ /eyts/ /ay/ /dzey/
K L M N Ñ
/key/ /el/ /em/ /en/ /enye/
NG O P Q R
/endzi/ /o/ / pi/ /kyu / /ar/
S T U V W
/es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/
X Y Z
/eks/ /way/ /zi/
Mga Tuntuning Panlahat
Pagbigkas na Pagbaybay
Ang pabigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay panitik at hindi papantig. Ang ispeling o pagbaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham, atb.
Halimbawa:
Salita boto = /bi-o-ti-o/
plato = /pi-el-ey-en-o/
Fajardo = /kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-o/
xerox =/eks-ey-ar-o-eks/
Pantig kon =/key-o-en/
trans =/ti-ar-ey-en-es/
Daglat Bb Binibini =/kapital bi-bi/
G. Ginoo =/kapital dzi/
Gng. Ginang =/kapital dzi-endzi/
Dr. Doktor = /kapital di-ar/
Akronim
GAT (Galian sa Arte at Tula) = /dzi/ey-ti/
LIRA (Lirika, Imahen, Retorika at Arte) = /el-ay-ar-ey/
PANDAYLIPI (Pandayan ng Literaturang Filipino)
= /pi-ey-en-di-ey-way-el-ay-pi-ay/
Inisyal ng Tao MLQ (Manuel L. Quezon) = /em-el-ar/
MAR (Manuel A. Roxas) = /em-ey-ar/
CPR (Carlos P. Romulo) = /si-pi-ar/
Inisyal ng Samahan/Paaralan (Pambansang Samahan ng Linggwistikang Filipino)
=/pi-es-el-ef/
KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas )
= /key-bi-pi/
UP (Unibersidad ng Pilipinas)
= /yu-pi/
PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila)
=/pi-el-em/
Simbolong Pang-agham
Fe =/ef-i/
H2O = /eyts-tu-o/
C = /si/
NaCl =/en-ey-si-el/
Pagsulat na Pagbaybay
Mananatili sa pagsulat at pagbasa ng mga karaniwang salita ang isa-sa-isang tumbasan ng letra at ng makabuluhang tunog na ang ibig sabihin, isa lamang ang tunog na ang ibig sabihin, isa lamang ang tunog sa pagbigkaks ng bawat letra kapag naging bahagi ng mga karaniwang salita.
a. Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na naasimila na sa sistema ng pagbaybay sa wikang pambansa ay susundin pa rin kung ano ang bigkas ay siyag sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
halimbawa:
bapor (v) bangko (n,c)
sentro (c) kotse (c, ch)
kahon (c,j) kalye (c,ll)
senyas (ñ) panatiko (f,c)
b. ang dagdag na walong (8) letra- C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z- ay ginagamit sa mga:
1. Pantanging Ngalan
Halimbawa:
Tao Lugar
Carmelito Canada
Conchita Luzon
Quirino Visayas
Exequeil San Fernando
Gusali Sasakyan
Ablaza Bldg. Victory Liner
Certeza Bldg. Qantas Airlines
State Condominium Doña Monserratt
2. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
Halimbawa:
cañao (panseremonyang sayaw ng mga Igorot)
hadji (lalaking Muslim na nakarating sa Mecca)
masjid (moske, pook dalanginan)
vakul (panakip sa ulo bilang pananggalang sa ulan at init ng araw)
ifun (pinakamaliit na banak)
azan (unang panawagan sa pagdarasal)
Panumbas sa mga Hiram na Salita
Sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita buhat sa wikang Ingles, maaring sundin ang mga sumusunod na paraan:
a. Ang unang pinagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay ang leksiyon ng kasalukuyang Filipino.
Halimbawa:
Hiram na salita Filipino
rule tuntunin
ability kakayahan
skill kasanayan
east silangan
west kanluran
b. Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa:
pinagkbet bana
dinendeng imam
cañao hadji
c. Sa paghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbaybay sa Filipino.
Halimbawa:
Ingles Kastila Filipino
check cheque tseke
liter litro litro
liquid liquido likido
education educacion edukasyon
d. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaring hindi maunawaan na nakararami, hiramin nang tuwiran ang katawagang Ingles at baybayin ito ayon sa mga sumusunod na paraan:
1. Kung konsistent ang baybayin ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
Halimbawa:
Salitang Ingles Filipino
reporter reporter
editor editor
soprano soprano
alto alto
salami salami
memorandum memorandum
2. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent, ayon sa simulaing kung ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
Salitang Ingles Filipino
control kontrol
meeting miting
leader lider
teacher titser
truck trak
nurse nars
score iskor
linguist linggwist
Ang Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas nito. Ang bawat bigkas ng bibig ay lagging may isang patinig.
Halimbawa:
a-ko sam-bot
i-i-wan mag-a-a-ral
it-log ma-a-a-ri
Dahil sa pagkaasimila sa talasalitaan ng wikang Pambansa ng mga hiram na salita, ang dating apat na kayarian o kaanyuan ng pantig ay naragdagan ng lima, kung kayat sa kasalukuyan ay may siyam na kayarian na ng pantig.
Sa mga halimbawang sumusunod, ang pantig ay tinutukoy ayon sa kayarian nito. Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolo: K para sa katinig, P para sa patinig.
Tradisyunal na Kayarian
Halimbawa
P u-pa
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
Karagdagang Kayarian
Halimbawa
KKP pri-to
PKK eks-perto
KKPK plan-tsa
KPKK kard
KKPKK trans-kripsyon
a. Ang Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.
1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal, midyal at pinal ng salita, ito ay hiwalay na mga pantig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
aalis a-a-lis
maaga ma-a-ga
totoo to-to-o
2. Kapag may mga katinig na magkasunod sa loob ng:
a. katutubong salita, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
buksan buk-san
pinto pin-to
tuktok tuk-tok
pantig pan-tig
b. hiram na salitang naasimila sa talasalitaang Filipino:
1. na may magkasunod na dalawang katinig ay karaniwang kasama sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
sobre so-bre
kopya ko-pya
kapre ka-pre
tokwa to-kwa
2. na may tatlog katinig na magkasunod, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
eksperto eks-per-to
transportasyon trans-por-ta-syon
eksperimento eks-pe-ri-men-to
Pansinin. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay bl, br, dr, pl , tr ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa
Salita Mga Pantig
asambleya a-sam-ble-ya
alambre a-lam-bre
balandra ba-lan-dra
simple sim-ple
imprenta im-pren-ta
3. na may apat na katinig na magkasunod, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod
Halimbawa
Salita Mga Pantig
ekstra eks-tra
ekstradisyo eks-tra-di-syon
eksklusibo eks-klu-si-bo
transkripsyon trans-krip-syon
b. Ang Pag-uulit ng Pantig
Ang mga tuntuning sinusunod sap ag-uulit ng pantig ay:
1. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
a-lis a-a-lis
i-wan i-i-wan
am-bon a-am-bon
ak-yat a-ak-yat
eks-tra e-eks-tra
Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita
Halimbawa:
mag-aalis mag-a-a-lis
maiwan ma-i-i-wan
mag-akyat mag-a-ak-yat
2. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat o batayang salita ya nagsisimula sa katinig-patinig, ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
ba-sa ba-ba-sa mag-ba-ba-sa
la-kad la-la-kad ni-la-la-kad
lun-dag lu-lun-dag nag-lu-lu-lundag
tak-bo ta-tak-bo ma-ta-tak-bo
3. kung ang unang pantig ng salitang-ugat o batayang salita ay may klister na katinig, dalawang paraan ang maaaring gamitin. Ito ay batay sa kinagawian ng nagsasalita.
a. Inuulit lamang ang naunang katinig at patinig
Halimbawa:
plan-tsa prito
pa-plan-tsa-hin pri-pri-tu-hin
mag-pa-plan-tsa-hin mag-pi-pri-to
Ang Gamit ng Kudlit
Ginagamit ang kudlit (‘) bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o mga letrang nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita.
Halimbawa:
tuwa at hapis tuwa’t hapis
paniwala at paninindigan paniwala’t paninindigan
ama at ina ama’t ina
wika at panitikan wika’t panitikan
Bloggers:
Julius G. Blazo
Romel Q. Embay
Khrysly Mae Nadal
Cristy T. Piquero


Comments
Post a Comment